Monday, September 4, 2017

May Pag-Asa Pa Kaya? (ni L.D.San. Juan)

Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o maging masaya nang nadiskubre kong isa ka na ring lingkod ng Diyos, ngunit sa ibang paniniwala. Lalo na yatang lumabo ang inaasam kong may bukas para sa Ikaw at Ako.

May balang-araw kaya tayong dalawa? May bukas kaya na magiging akin ka? May darating bang oras na sasabihan mo akong "Mahal Kita..."? O mas dapat kong pakaisipin na walang nakatakdang panahon para sa atin.

Baka nga hindi talaga tayo para sa isa't isa. Baka nga wala na rin sa isip mo ang magkaroon ng sariling pamilya.

Hanggang kailan ako dapat mag-isip, magtanong, magmuni-muni kung may pag-asa pa kaya? Baka mas magandang hindi na, dahil sa relihiyon pa lang, tunay na tayong magkaiba.

No comments: