Thursday, August 24, 2017

Ang Landas ng Sunflower Maze (ni L.D. San Juan)




Papasok ka sa loob ng mga baging ng Ampalaya, kung saan ang mapapait na alaala ang nasa iyong gunita.
Sa daan ay may kubo kung saan ay maaari kang magpahinga, kung makaramdam ka na ng pagod, at panghihina dahil sa malulungkot na alaala.
Makakakita ka ng mga bulaklak na malulungkot ang aura, na nang dahil sa pagbuhos ng ulan ay nangalanta, na parang tao na nagdurusa.
Sa daan ay matatagpuan mo ang animo Swan o upuan na hugis puso, at matatagpuan rin ang isang bisikleta at bota na parang nagsasabing umusad ka pa.
Kapag nakalabas ka na sa maze ay kasunod nito ang mga bulaklak, at may sasakyan din, na iba’t ibang kulay at kaygaganda, na parang nagsasabing kaunting usad pa.
Dahil sa dulo ay matatagpuan ang dalawang drum na may mukha, na parang nagsasabing “may forever talaga, hija”.

Hindi kaya ang Sunflower Maze na ito ay para sa mga nagmo-move on?
Wala lang. Naisip ko lang. Baka iyon talaga ang tunguhin ng pagtahak sa Sunflower Maze na nakakatuwa.


(written last May 7, 2017)

No comments: