Wednesday, August 30, 2017

May Bukas Ba Para Sa Atin? (ni L.D.San Juan)

Malalim ang gabi na naman.
Naiisip na naman kita.
Imbes na natutulog na ako,
Hindi makatulog sa kakaisip sa iyo.

Kumusta ka na ba?
Maraming taon na kitang hindi nakikita.
Pero bakit kaya sa kabila ng lahat,
Ay naiisip pa rin kita, at umaasang muli tayong magkikita?

May nakalaan kayang bukas para sa atin?
May tamang panahon kaya para ika'y maging akin?
Mga bata pa tayo noon, teenager at high school student,
Pero pagtingin ko'y hindi nagbabago mula pa noon.

Ilang pagmamahalan ang pinagdaanan ko,
Ilang relasyon na hindi sa altar humantong.
Sa tuwing single ako at hindi naghahanap,
Isip at puso ko'y sa iyo nakatuon.

Hindi ko alam kung bakit ganito,
Sa kabila ng mahabang panahon na wala ka sa paningin ko,
Na kahit dalawang dekada na ang dumaan,
Nananatiling ikaw ang sa huli'y naaalala ko.

Ang mga ngiti mo'y nananatili sa isip ko,

Ang boses mong hindi man kagandahan ay parang musikang aking napapakinggan.
Ang pagiging suplado na kailanma'y hindi nakabawas sa iyong kaguwapuhan,
Lahat ng iyan ay nakatatak na sa aking puso't isipan,

Isang tanong ang sa akin ay nagpapagulo,

Dahil hindi ko alam kung saan mahahanap ang sagot na kailangan ko.
Hindi ko alam kung tama bang pagtuunan ko ng pansin ito.
Sa kinabukasan ba natin ay magkakaroon ng Ikaw, Ako, at Tayo?

Thursday, August 24, 2017

Ang Landas ng Sunflower Maze (ni L.D. San Juan)




Papasok ka sa loob ng mga baging ng Ampalaya, kung saan ang mapapait na alaala ang nasa iyong gunita.
Sa daan ay may kubo kung saan ay maaari kang magpahinga, kung makaramdam ka na ng pagod, at panghihina dahil sa malulungkot na alaala.
Makakakita ka ng mga bulaklak na malulungkot ang aura, na nang dahil sa pagbuhos ng ulan ay nangalanta, na parang tao na nagdurusa.
Sa daan ay matatagpuan mo ang animo Swan o upuan na hugis puso, at matatagpuan rin ang isang bisikleta at bota na parang nagsasabing umusad ka pa.
Kapag nakalabas ka na sa maze ay kasunod nito ang mga bulaklak, at may sasakyan din, na iba’t ibang kulay at kaygaganda, na parang nagsasabing kaunting usad pa.
Dahil sa dulo ay matatagpuan ang dalawang drum na may mukha, na parang nagsasabing “may forever talaga, hija”.

Hindi kaya ang Sunflower Maze na ito ay para sa mga nagmo-move on?
Wala lang. Naisip ko lang. Baka iyon talaga ang tunguhin ng pagtahak sa Sunflower Maze na nakakatuwa.


(written last May 7, 2017)

Thinking of "My Cradle"? (by L.D.San Juan)

It's been years.
It's been so many years.

But still I am trying to get your attention.
No replies.
No violent reactions.
Or you're not even reading my messages.

I still remember your birthday.
And I keep on sending you a greeting when it came.

Two decades had gone by from the time I fell in love.

Two decades of admiring you despite of being unnoticed.
Two decades of living with our own lives, but you're not even forgotten.

We both went through some failed relationships.
We're both busy with our chosen career.
But the truth is, you're still in my heart.


I am still hoping that one day, we would see each other again.
I still remember you.

I still remember the feeling I had for you.

All I want to know now is...
How are you "my Cradle"?